katniss everdeen
hard as ice, yet gentle as falling snow.


Happy father’s day daddy! Una sa lahat, thank you dahil kahit gano ako kakulit hindi mo ako pinapabayaan. Alam kong madami akong kalokohan sa buhay pero hinahayaan mo ako i-enjoy buhay ko. Yung pagttrabaho mo kahit Sunday, naappreciate namin yan ng sobra. Tapos yung pagka-over protective mo sakin, kitang kita yan. Naiintindihan ko naman kahit minsan nawawalan ka ng time lalo na pag Saturday, kasi busy ka. Para samin din naman yun eh. Ikaw din yung nagturo sakin na wag ako magpapa-api kung kani-kanino. Ikaw yung nagturo sakin na ipaglaban ko yung sarili ko lalo na kung alam kong tama ako. Ikaw yung nagturo sakin na i-appreciate ang mga ginagawang bagay para sakin, maliit man o malaki. Ikaw din ang nagturo sakin na kapag may umaway sakin, awayin ko din. Hahaha. Ang dami kong natutunan sayo daddy, lahat naman yun gagawin ko eh. Basta ba nandyan ka para sakin. Alam ko masyado akong dependent sa iba, wala eh bata pa ako. Sorry kung may pagka-gago ako. Sorry kung nasasagot kita o kaya si mommy, sorry. Kasi minsan nawawala ako sa sarili ko pag naiinis ako okaya sobrang pagod. Sorry kung hindi ko pinsabi sainyo ni mommy na nagcollapse ako nung summer kasi ayoko naman mag-alala kayo. Sorry kung minsan, sakit ako sa ulo. Sorry sa lahat. Hindi ako nagsisisi na ikaw naging daddy ko. Laking pasalamat ko sa Dyos kasi ikaw ang naging daddy ko, kasi hindi mo ko pinapabayaan. Kasi mahal na mahal mo ako kahit sobrang isip bata ako, kahit may pagka-gago ako at kahit madami akong kalokohan sa buhay. Alam kong kulang pa ito para pasalamatan kita, pero eto lang magagawa ko eh. Pag lumaki ako, ako naman yung nandyan para sainyo ni mommy. Happy father’s day daddy, I love you. <3

■ Posted 1 year ago with 24 notes
  1. oxyjheen said: sweet. =))
  2. binibinih said: Ang cute niyo naman :’)
  3. madstangkad posted this